KLB from Parang by Lazed Nap't
Tracklist
3. | KLB | 4:07 |
Lyrics
Verse:
'Di ka ba nag-iisip kung bakit ako nanliliit
'Pag ika'y papalapit lugar ko'y sumisikip
'Di ka ba nagtataka kung bakit ako nag-iiba
Kapag kausap na kita bigla akong namumula
Hindi ko maipaliwanag ang aking mga pangitain
Tungkol sa ating dalawa
Na parang ikaw daw ang aking makakapiling
'Yong tipong pang-habambuhay na
Chorus:
Huwag kang magtataka
Kung bukas o bukas makalawa
Ang pangalan mo'y iba
Ang apelyido ko ay nakuha mo na
Gusto kitang makasama
Hindi lang ngayon bukas o sa susunod na dekada
Kahit edad ko'y wala na
Sa kalendaryo, sa lotto, o kahit sa bingo pa
Verse:
'Di ka yata nagtatanong kung bakit ba hanggang ngayon
Nanliligaw pa rin ako kahit nakuha ko na ang "Oo"
'Di ka yata natatawa kahit ako'y nahihiya
Sa tuwing hinahawakan ang mukha at tinititigan mo sa mata
Hindi ko maipaliwanag ang aking mga pangitain
Sa tuwing ginagawa mo iyan
Na parang gusto mong tunawin ang aking damdamin
Kahit tuwang-tuwa naman
(Repeat Chorus)
Bridge:
Wala naman akong masyadong papalitan
Pero baka puwede kahit 'yong pangalan mo lang
kahit ilang taon pa ang dumaan
Walang kukupas sa ating pagmamahalan
May numero sa kalendaryong aabangan
Sa lotto ay lagi ko ring tatayaan
Kung ako ay iyo lamang pakasalan
Sinasabi ko sa 'yo
Bingo na... ako!
(Repeat Chorus)